3 ASG members, sumuko sa Joint Task Force Sulu

By Mark Gene Makalalad October 13, 2017 - 03:05 PM

Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang boluntaryong boluntaryong sumuko sa Joint Task Force Sulu sa Barangay Bulibangao bayan ng Tongkil.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, sumuko ang miyembro ng bandidong grupo na sinasabing follower ni ASG Sub-leader Asbi Misuari, alas 8:30 ng umaga ng Biyernes bitbit ang kanilang mga matatas na kalibre ng armas.

Ang pinagsanib na pwersa ng 545 ECB at mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang nag-facilitate sa pagsuko ng tatlong bandido.

Kinilala ang mga sumuko na sina Ajimad Musnali na may bitbit na cal. 30 spring field; Nana Amdad Tunggal na may bitbit na cal.30M1 spring field at Hasiri Sabirin na may cal.30 M1.

Isinailalim na sa custodial debriefing ang tatlong sumukong bandido sa Camp Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 ASG members surrendered, Abu Sayyaf, Sulu, 3 ASG members surrendered, Abu Sayyaf, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.