Travel advisory sa ilang bahagi ng Negros, inilabas ng 5 bansa

By Kabie Aenlle October 13, 2017 - 03:45 AM

 

Limang bansa ang naglabas ng babala sa kanilang mga mamamayan tungkol sa pag-biyahe sa ilang bahagi ng Negros sa Visayas.

Magkakahiwalay na naglabas ng travel advisories ang Ireland, Canada, New Zealand at United Kingdom kamakailan sa Southern Negros, kabilang na ang Dumaguete City.

Ayon sa Provincial Tourism Office, inilabas ang mga advisories matapos ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis kung saan nasugatan ang isang Brazilian at isang Swede.

Ayon kay Provincial Supervising Tourism Operations Officer Cristine Mansinares, partikular na kinakansela ng mga turista ang kanilang mga biyahe patungo sa Negros Occidental.

Sa inilabas na advisory ng Canada, nakasaad na minaltrato ng mga kidnappers ang mga dayuhan na kanilang dinukot.

Nakasaad din dito na bagaman mas mataas ang banta sa seguridad sa Mindanao, may mga banta rin ng kidnapping sa southern Negros, Siquijor, Palawan at mga probinsyang malapit sa Sulu Sea.

Ayon naman sa travel advisory ng UK, talamak ang banta ng kidnapping sa Mindanao, Sulu, Palawan at Central Visayas kabilang ang Siquijor at Dumaguete.

Gayundin anila sa mga resorts at diving destinations malapit sa Sulu at Celebes Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.