Pre-trial sa plunder case ni JPE, Gigi Reyes at Napoles, hindi natuloy
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 3rd Division ang pre-trial sa kasong plunder laban kina Senator Juan Ponce-Enrile, Atty. Gigi Reyes at Janet Lim-Napoles.
Base sa inihaing mosyon ng kampo ni Enrile sinabi nitong dapat ikansela ang pre-trial sa kaso matapos silang pagbigyan ng Korte Suprema ang kanilang ‘bill of particulars’ na hanggang sa ngayon ay hindi pa ibinibigay sa kanila ng prosekusyon.
Ang nasabing posisyon ng kampo ni Enrile ay sinang-ayunan naman ng Sandiganbayan.
Kasabay nito, hiniling sa anti-graft court ang kampo nina Reyes at Napoles na ipagpaliban din ang pre-trial sa kanilang kaso dahil sa parehong usapin.
Ayon sa mga abogado nina Reyes at Napoles, makikinabang din ang kanilang mga kliyente sa pasya ng korte suprema na nag-aapruba sa bill of particulars ni Enrile dahil kapwa akusado sila ng Senador.
Gayunman ayon sa mga mahistrado ng 3rd Division ng Sandiganbayan, walang temporary restraining order na inilabas ang korte suprema sa pagpapatuloy ng pagdinig kaya hindi nila ito maaring ihinto ng tuluyan.
Dahil dito, itinakda muli ng Sandiganbayan ang pre-trial kina Reyes at Napoles sa October 27, 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.