“Now, the ambassadors of those countries listening now, tell me. Because we can have the diplomatic channel cut tomorrow. You leave my country in 24 hours. All. All of you”
Ito ang matapang na bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union matapos magbanta na aalisin na ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council dahil sa isyu ng extra judicial killings.
Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon sa bagong press briefing room sa new executive building sa Malakanyang, sinabi nito na minamaliit lamang ng EU ang Pilipinas, ginagawang tanga at pinagmumukhang walang alam sa charter ng UN.
“You want to expel us? You try. My… Euro, 1,000 dollars will earn one million pesos from me if you can expel us from the UN. Bakit? Papayag kaya ang Russia pati China? fuck you. You think that we are a bunch of morons here. You are the one.”
Dagdag pa ng pangulo sa EU na kung aalisin na ang pilipinas ay mas makabubuting gawin na ito ngayon.
Gayunman, sa kabila ng mga maanghang na batikos ng pangulo nilinaw ng EU na wala silang panawagan na alisin ang Pilipinas sa UN Human Rights Council.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.