Bagyong Odette magpapa-ulan sa Hilagang Luzon ngayong magdamag
Napanatili ng Bagyong Odette ang lakas nito habang papalapit sa lalawigan ng Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras, at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras ayon sa PAGASA.
Kumikilos ito sa pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan ang Bagyong Odette ngayong gabi at lalabas ng Philippine area of responsibility sa Sabado.
Huli itong namataan 285 kilometro, Silangan ng Aparri, Cagayan.
Nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Nagbabala naman ang PAGASA na magiging mapanganib ang pagbyahe sa seaboards ng Hilagang Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.