Army Major Harry Baliaga Jr., inabswelto sa kaso ng pagkawala ni Jonas Burgos
Inabswelto ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) si Army Major Harry Baliaga Jr. sa kasong arbitrary detention kaugnay sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.
Sampung taon na ang nakalilipas mula nang mapaulat na nawawala si Burgos matapos umanong dukutin ng mga military intelligence agent noong 2007.
Sa desisyon ni Presiding Judge Alfonso Ruiz II, sinabi nitong bigo ang kampo ng pamilya ni Burgos na patunayang guilty si Baliaga sa kaso.
Ang mga ebidensya umanong ipinrisinta ng pamilya Burgos sa kaso ay pawang ‘hearsay’ lamang.
Ikinalungkot naman ni Ginang Edita Burgos, ina ni Jonas, ang pasya ng korte.
Aniya, maghahain sila ng apela sa naging pasya ng mababang korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.