Duterte sa CBCP: Linisin muna ang inyong bakuran bago punahin ang gobyerno

By Jay Dones October 12, 2017 - 01:58 AM

 

Dapat linisin muna ng mga Obispo ang kanilang bakuran bago pulaan ang gobyerno.

Ito ang hamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos bumagsak ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling SWS survey.

Malaki ang hinala ni Alvarez na ang mga naninira sa gobyerno ang naging dahilan ng pagbagsak ng 18 puntos ng satisfaction rating ng Duterte administration.

Banat ni Alvarez, maraming mga pari ang nasaangkot sa iba’t ibang ‘kontrobersiya’ at kung minsan ay nasasangkot pa sa ‘pedopilia.’

Dapat aniya na pagtuunan muna ng pansin ng mga pari at Obispo ang mga problema sa kanilang grupo bago punahin ang mga pagkukulang ng gobyerno.

Giit pa ni Alvarez, dapat masusing silipin ang naging konstruksyon ng survey questions sa pinakahuling SWS survey upang matiyak na hindi ito ‘slanted’ o ‘leading question’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.