Power plant pinasabog, malaking bahagi ng Mountain Province walang kuryente
Nawalan ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Mountain Province matapos lusubin ng armadong kalalakihan ang 14-Megawatt Sabangan Hydroelectric Power Plant sa bayan ng Bauko.
Sa ngayon, hindi pa naibabalik ang serbisyo ng kuryente sa maraming bahagi ng lalawigan.
Ayon kay Sabangan Councilor Ricky Samidan, isinagawa ng mga suspek ang pag-atake dakong alas-10:30 ng gabi ng Martes.
Aniya, kinumpiska ng mga ito ang mga armas ng mga security guards ngunit hindi naman nasaktan ang mga ito.
Pinasabog ng armadong kalalakihan ang control room ng planta sa Barangay Otucan Norte, ayon sa operator nito na Hydroelectric Power Corp. (Hedcor).
Ayon sa Hedcor, umaabot sa 90% ng kanilang equipment ang napinsala ngunit nangakong ibabalilk ang operasyon ng planta sa lalong madaling panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.