Kasong libel, isinampa ni VP Binay laban kina Trillanes at Mercado
Nagsampa sa Makati City Prosecutor’s Office ng dalawang magkahiwalay na kasong libel si Vice President Jejomar Binay laban kina Sen. Antonio Trillanes IV, at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
Sa limang pahinang reklamong ipinasa ni VP Binay, nakasaad ang mga testamentong nagkalat ang mga kasiraan sa kanyang pangalan, nang lumabas ito sa isyu ng Philippine Daily Inquirer noong January 22, 2015.
Ayon sa artikulo, kumita umano sya ng halos P200 milyon mula sa iba’t ibang transakyson sa pagitan Boy Scouts of the Philippines O BSP at real estate developer na Alphaland Corporation.
Aniya, sa kabila ng walang sapat na ebidensya ay ipinagpatuloy nilang gumawa ng mga malisyosong kwento, na tuluyang nagpawala sa kanya ng respeto at pagtitiwala ng ibang mga taga suporta.
Base naman sa paratang ni Trillanes, tumanggap diumano ng kickback si VP Binay ng halagang P100 milyong piso na mula sa mga ghost senior citizens.
Mariin naman nyang pinabulaanan ang mga paratang, dahil ayon sa kanya, wala itong sapat na basehan. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.