Matapos personal na makaranas ng aberya, Rep. Ruffy Biazon, pinamamadati ang pagresolba sa problema sa MRT
Pinamamadali na ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa Department of Transportation (DOTr) ang pagresolba sa araw-araw nang nararanasan na problema sa MRT-3.
Ayon kay Biazon, dapat agad ng palitan ng DOTr ang kontrata sa maintenance provider nito na Busan Universal Rail Inc., o BURI sa MRT 3 kung ito ang nakikitang dahilan ng paulit-ulit na aberya sa tren.
Kahapon, mismong si Biazon ay nakaranas ng aberya sa MRT nang huminto ang tren na sinasakyan niya at pababain silang lahat na mga pasahero sa Shaw Blvd. station.
Madalas umano siyang sumasakay sa MRT papasok sa Kamara para makaiwas sa matinding traffic sa EDSA.
At noong Martes ang unang pagkakataon na nakaranas sya ng aberya.
Kaya naman hiling ng mambabatas resolbahin na sa lalong madaling panahon ang problema sa MRT na palaging nararanasan ng mga ordinaryong pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.