15 na ang patay sa wildfire sa Northern California
Umabot na sa 15 ang nasawi sa nagpapatuloy na wildfire sa wine region sa California.
Sa Sonoma County pa lamang, siyam na ang naitalang nasawi, tatlo sa Mendocino County, dalawa sa Napa County at isa sa Yuba County.
Sa Napa, nasawi ang mag-asawang 99 at 100 taong gulang makaraang hindi makalikas mula sa nasusunog na bahay.
Ayon sa Sonoma County Sheriff’s Department nakatanggap sila ng ulat na mayroon pang 200 katao na nawawala.
Sa ngayon umaabot na sa mahigit 115,000 acres o 46,500 hectares ang nasakop ng wildfire at 2,000 mga bahay at establisyimento na ang nasunog.
Idineklara na ni US President Donald Trump ang major disaster sa California, para makapaglaan ng karampatang pondo upang masawata ang malawak na wildfires sa western state.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.