Dalawang LPA, binabantayan ng PAGASA
Dalawang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA ang isa ay nasa loob na ng bansa habang ang isa pa ay nasa boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang LPA na nasa loob ng bansa ay huling namataan ng PAGASA sa 350 kilometers East ng Casiguran, Aurora.
Ang nasabing LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na mga pag-ulan na kung minsan ay malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha at flashfloods sa Metro Manila, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at CALABARZON.
Habang ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lalo na sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Samantala, ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, ang LPA na nasa boundary pa lamang ng PAR ay may tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo.
Nasa Silangang bahagi ng Visayas ang nasabing LPA at papangalan itonng Odette kung magiging bagyo habang nasa loob ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.