12 pang pulis-Caloocan, kinasuhan ng mga magulang ni Kian delos Santos

By Kabie Aenlle October 11, 2017 - 04:11 AM

 

Inilabas na ng mga magulang ni Kian Loyd delos Santos ang mga pangalan ng 12 pulis ng Caloocan City na kinasuhan sa pagkamatay ng kanilang anak.

Ang mga nasabing pulis na unang pinangalanan lang bilang “John Does” ay karagdagan pa sa apat na suspek na una nang kinasuhan ng murder at torture sa Department of Justice (DOJ).

Sila ang mga pulis na kasabi sa “Oplan One Time Big Time” operation noong September 16 kung kailan napatay si Delos Santos.

Ang mga nakasuhang pulis na sinampahan nila ng kaso ay sina:

– PO2 Arnel R. Canezares;
– PO2 Diony B. Corpuz;
– PO2 Fernan C. Cano;
– PO1 Reynaldo Dan M. Blanco Jr.;
– PO1 Silverio C. Garcia Jr.;
– PO1 Ronald B. Herrera;
– PO1 Myrldon L.Yagi;
– PO1 Christian Joy G. Aguilar;
– PO1 Ceferino B. Paculan;
– PO1 J-Rossillini O.Lorenzo;
– PO1 Erwin C. Romeroso;
– PO1 Ferdinand R. Claro

Una nang nakasuhan sina Chief Insp. Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Herwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.

Humarap na ang labing-isa sa kanila sa preliminary investigation hearing, at inatasan na magsumite ng kanilang kontra-salaysay sa October 17.

Hindi nakadalo sa pagdinig si Paculan dahil hindi naman siya kasama sa mga ipinatawag.

Nakatakda namang magsumite ng kanilang tugon ang mga magulang ni Kian sa October 23.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.