Blogger na si RJ Nieto, nagpapa-terminate na sa DFA bilang consultant

By Rhommel Balasbas October 11, 2017 - 04:20 AM

 

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inihayag ni Thinking Pinoy blogger Rey Joseph (RJ) Nieto na pinapaterminate niya na sa Department of Foreign Affairs ang kanyang consultancy contract.

Matatandaan na sa nangyaring pagdinig ng Senado tungkol sa fake news, sinabi ni Nieto na kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa DFA – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs bilang isang consultant.

Sinabi rin ng blogger na mas kailangan siya ng DFA kaysa sa kailangan niya ito.

Sumasahod lang anya siya ng 12,000 piso kada buwan sa serbisyong ito kung saan hindi pa anya sapat bilang kanyang pantaxi.

Gayunpaman, sa kaparehong post sa fb, sinabi ni Nieto na kapag naibigay na ang kanyang compensation sa loob ng tatlong buwang paninilbihan sa DFA ay idodonate niya ito sa karapat-dapat na charity organization.

Wala pa namang reply o nagiging pahayag ang kagawaran ukol sa hiling ni Nieto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.