Trillanes: Kamay ni Duterte kita sa desisyon ng SC sa kaso ni De Lima

By Ruel Perez October 10, 2017 - 04:17 PM

Ikinalungkot ni Sen. Antonio Trillanes IV ang naging pagbasura ng Supreme Court sa hiling ng kampo ni Sen. Leila de Lima na ipawalang bisa ang warrrant of arrest laban sa kanya hinggil sa mga kasong isinampa kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa transaksyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Trillanes, ipinapakita lamang sa naging desisyon ng Korte Suprema na kontrolado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong sangay ng gobyerno, ang lehislatura, ehekutibo at ang hudikatura.

Aniya nakakapanghinayang dahil ang desisyon umano ng SC ang mistulang magsasa-legal sa ginagawang political persecution laban kay De Lima.

Giit ng senador, malinaw ang ginagawang manipulasyon ni Duterte sa tatlong sangay ng gobyerno kung kaya marapat lamang na tindigan ito at tutulan./

TAGS: Antonio Trillanes IV, leila de lima, Rodrigo Duterte, Supreme Court, Antonio Trillanes IV, leila de lima, Rodrigo Duterte, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.