200,000 residente sa Japan, inilikas dahil sa baha

By Stanley Gajete September 11, 2015 - 06:10 AM

japan rescueInilikas na ang halos 200,000 residente sa Japan dahil sa matinding pagbaha na nararanasan, matapos ang walang humpay na pag-ulan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nakataas na ang babala sa Tochigi at Ibaraki prefecture, na matatagpuan sa hilagang kabisera ng Tokyo.

Inihayag din ng nasabing ahensya na hindi pa nila naranasan ang ganitong katinding ulan.

Naitala sa Tochigi ang 60 milimetrong dami ng ulan mula pa nang bumuhos ang ulan noong Lunes, sanhi ng pag apaw ng Kinugawa river.

Sa ulat, nasabing doble kaysa karaniwan ang dami ng ulang bumuhos sa mga nasabing lugar.

Gumuho rin ang ilang mga gusali at mga templo dahil sa matinding pagbaha sa bayan namanng Nikko.

Nastranded ang maraming residente sa kani kanilang mga bahay, kaya naman rumesponde na ang mga military helicopter upang sagipin ang mga naapektuhan.

Patuloy naman ang aksyong isinasagawa ng pamahalaan, upang matulungan ang mga naapektuhan, partikular na ang mga nagsilikas sa mga evacuation centers.

TAGS: flashfloods at japan, flashfloods at japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.