Magkakasunod na aberya, naitala sa MRT
(UPDATE) Maagang nakaranas ng magkakasunod na aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Martes ng umaga.
Sa abiso ng MRT, alas 5:52 ng umaga, pansamantalang itinigil ang serbisyo mula sa North Avenue hanggang Shaw Station.
Ito ay dahil sa nakitang problema sa riles ng tren sa pagitan ng Ortigas at Santolan stations.
Itinaas sa category 4 ang status ng biyahe ng MRT.
Ipinatupad ang limitadong operasyon at tanging Shaw hanggang Taft stations lamang at pabalik ang naging biyahe.
Sa North Avenue station, bumaba ang gwardya ng MRT at sa bahagi pa lamang ng EDSA bago umakyat ang mga pasahero ay inaabisuhan na sila na limitado ang opetasyon.
Sa kabila nito, marami pa rin ang nagpasya na pumila at hintaying maibalik sa normal ang serbisyo.
Alas 6:34 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT.
Samantala, alas 8:35 ng umaga nang magpababa ng mga pasahero sa Cubao station southbound dahil sa nagkaproblemang tren.
Nasundan ito ng isa pang aberya alas 9:33 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa bahagi ng Shaw Blvd. station northbound.
Ayon sa abiso ng MRT, isang tren nila ang nagkaroon ng technical problem.
Nagkataon pang sakay ng nagkaproblemang tren si Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Biazon na pinababa silang mga pasahero sa Shaw Boulevard ang ang tren ay inialis sa lugar.
We got offloaded at Shaw boulevard station, with the train declared “for removal”. pic.twitter.com/bwjv46pzzd
— Ruffy Biazon (@ruffybiazon) October 10, 2017
Bago ang kaniyang post tungkol sa aberya, nagpost na ng video si Biazon na nagpapakita na ang mga sasakyan sa EDSA ay mas mabilis pa ang andar kay sa sa sinasakyan niyang tren ng MRT.
That feeling when you’re on the train but all the vehicles out there are moving past you. pic.twitter.com/xvg02QdfEJ
— Ruffy Biazon (@ruffybiazon) October 10, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.