Esperon mamumuno ng pagbusisi sa internet connection sa bansa

By Rohanissa Abbas October 09, 2017 - 07:06 PM

Pamumunuan ni National Security Adivser Hermogenes Esperon Jr. ang pagsusuri ng gobyerno sa national broadband plan.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, binuo ang Information Technology Council makaraang magbitiw sa pwesto si Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima.

Magsisilbi ring myembro ng ITC ang tatlo pang myembro ng gabinete.

Ayon kay Andanar, sa loob ng 15 araw ay magsusumite ng rekomendasyon ang ITC kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano mapabibilis ng gobyerno ang internet conncetion sa bansa at kung paano palalawigin ito.

Dagdag ng Kalihim, kabilang sa mga panukalang susuriin ng binuong council ay ang pagpasok ng mga bago at dayuhang kompanya sa industriya ng telecommunications.

TAGS: andanar, esperon, Internet, ITC, telco, andanar, esperon, Internet, ITC, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.