MMDA, pinayuhan ang publiko na maagang mag-Christmas shopping

By Jan Escosio October 09, 2017 - 11:45 AM

CEBU DAILY NEWS PHOTO

“Mag Christmas shopping ng maaga”

Ito ang pakiusap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa publiko matapos pumayag ang shopping malls na iurong ang kanilang pagbubukas ngunit pina-gabi ang pagsasara.

Ngunit kadalasan ang ‘Christmas bonus’ at ‘13th month pay ay ibinibigay simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 15.

Noong nakaraang Biyernes, nakipagpulong si MMDA Asst. Gen. Manager for Planning Jojo Garcia sa mga mall operators at napagkasunduan na magbubukas sila ng alas-11 ng umaga at magsasara ng alas-11 ng gabi.

Ang pansamantalang mall operating hours ay magsisimula sa darating na Oktubre 15 hanggang sa January 15 ng susunod na taon.

Sinabi pa ni Garcia na ang mga delivery sa mall ay gagawin alas-11 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Gayunman aniya hindi nito sakop ang pag-deliver ng ‘perishable goods.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.