Oposisyon kay Duterte: ‘Tapos na ang honeymoon period’

By Kabie Aenlle October 09, 2017 - 03:36 AM

 

Naniniwala ang opposition coalition na #TindigPilipinas na ang pagbaba ng net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nangangahulugang tapos na ang “honeymoon” period sa kaniyang panunungkulan.

Sa kanilang pahayag, nanawagan ang kowalisyon kay Duterte na pakinggan na ang mga sigaw ng mga tao laban sa extrajudicial killings, pag-isipan na ang pagpapa-iral ng war on drugs, at na umiwas sa pagpapahina sa mga democratic institutions.

Inilabas nila ang nasabing pahayag matapos bumagsak ng 18 points ang pinakahuling net satisfaction rating ni Pangulong Duterte base sa Social Weather Station (SWS) survey.

Muli ring nanawagan ang #TindigPilipins kay Duterte na pumirma na sa isang bank waiver upang mapatunayang wala nga siyang mga tagong yaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.