Mighty Corp. nagbayad ng P40B sa pamahalaan

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2017 - 05:30 PM

Aabot sa halos P40 billion ang binayaran ng cigarette maker na Mighty Corporation para mai-settle ang tax deficiencies nito bilang bahagi ng compromise deal na nagresulta sa pag-atras ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kaso nilang tax evasion.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, sakop ng binayaran ang tax at iba pang bayarin.

Dahil dito, sinabi ni Aguirre na maituturing nang ‘withdrawn’ sa DOJ docket ang nasabing kaso na naunang isinampa ng BIR laban sa kumpanya.

Pinapayagan naman aniya ang pag-settle sa tax case sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

Tatlong reklamo ng tax evasion ang isinampa ng BIR sa Mighty Corp., dahil sa hindi pagbabayad ng excise taxes sa kanilang produktong sigarilyo at dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa cigarette packs.

Sa pagtaya ng BIR aabot sa P37.88 billion ang lahat ng halaga na kailangang habulin sa kumpanya.

Nagpasya ang Mighty Corp. na sa halip na dumepensa sa reklamo ay pumasok na lang sa compromise deal sa gobyerno.

Nagpasya din ang may-ari ng kumpanya na si Alexander Wongchuking na ibenta na ang cigarette business sa Japan Tobacco Inc.

 

 

 

 

 

TAGS: BIR, DOJ, mighty corporation, Radyo Inquirer, tax evasion, BIR, DOJ, mighty corporation, Radyo Inquirer, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.