BSP muling nagpa-alala sa publiko na labag sa batas ang pagsira sa pera
Maituturing na labag sa batas ang pagsira sa peso bills at maging sa mga barya.
Ito ang muling ipinaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga magtatangkang na sadyang sirain, punitin o sunugin ang pera.
Inilabas ng BSP ang paalala aksunod ng kumalat na video ng umano ay panununog sa Peso bill kamakailan.
Ayon sa BSP, iniimbestigahan na nila ang nasabing insidente para sa karampatang aksyon.
Paalala ng central bank sa publiko, labag sa batas ang pagsira sa pera kasama na ang pagpunit at pagsunog dito sa ilalim ng Presidential Decree No. 247.
Sa ilalim ng nasabing batas, ang sinomang lalabag ay maaring patawan ng multa ng hindi bababa sa P20,000 at pagkakakulong na hanggang limang taon.
Maliban dito, mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-reproduce o paggagawa sa Bangko Sentral notes nang walang otorisasyon ng BSP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.