Richard Gutierrez, ipinababasura ang kasong tax evasion sa DOJ
Hiniling sa Department of Justice (DOJ) ng aktor na si Richard Gutierrez na ibasura ang tax evasion case laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
May kaugnayan ang kaso ni Gutierrez sa umano’y pagpeke nito ng mga dokumento at pagsisinungaling sa kanyang affidavit kaugnay ng P38.57 million tax evasion case na kanyang kinakaharap.
Personal na nag-subscribe ng kanyang counter affidavit si Gutierrez kay Assistant State Prosecutor Christine Perolino.
Batay sa kaso ng BIR, pinalabas ng aktor na ang kanyang tax returns ay nalagyan na ng stamp ng revenue district office no. 42 sa San Juan City, bagay na itinanggi ng tanggapan.
Nilabag din umano ni Gutierrez ang revised penal code dahil sa pagsumite ng perjured affidavits sa preliminary investigation hearing sa kanyang kaso noong July 18.
Sa kanyang depensa ay sinabi ni Gutierrez na ang kanyang accountant na si Teresita Dabu-Lapid ang nag-file ng buwis para sa kanyang kumpanta na R Gutz Production Corporation.
Nakatakda ang isa pang pagdinig sa October 18 para sa tugon ng BIR sa depensa ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.