Amerika, numero unong kaalyado ng Pilipinas – Año

By Rhommel Balasbas October 06, 2017 - 04:02 AM

 

Inanunsyo ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang muling pagbabalik ng regular war games ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas palalawigin pa ang pakikipagkaibigan at alyansa ng bansa sa US.

Noong nakaraang linggo lamang ay nakipagpulong si Año kay US Pacific Command Chief Admiral Harry Harris sa Hawaii.

Anya, nananatili pa rin ang Estados Unidos bilang numero unong kaalyado ng Pilipinas at palalakasin pa ang military exercises ng dalawang bansa sa 2018 matapos itong mabawasan ngayong taon.

Nakapokus anya ang joint execises sa counter-terrosism, disaster response at maging sa territorial defence.

Gayunpaman, tiniyak naman ng pinuno ng AFP na palalawigin pa rin ng Pilipinas ang relasyon nito sa China.

Sa turnover ceremony ng mga armas na ibinigay ng China sa Philippine Military, sinabi ni Año na hindi kaaway ng bansa ang US o ang China.

Mas mahalaga anyang iprayoridad ang interes ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.