Senado, hindi gagawa ng anti-fake news law na hahadlang sa freedom of speech

By Kabie Aenlle October 06, 2017 - 04:01 AM

 

Tiniyak ni Sen. Grace Poe na hindi gagawa ang Senado ng batas laban sa fake news na lalabag sa freedom of speech or expression.

Ayon kay Poe, bagaman nababahala siya sa hindi magandang epekto ng paglaganap ng fake news, hindi rin naman siya magiging pabor sa anumang panukala na hahadlang naman sa karapatan ng mga tao na maghayag ng sarili nilang damdamin.

Paliwanag ni Poe, nais niyang makabuo ng batas na magpapatindi sa parusa para sa cyber libel dahil sa fake news, at gagawing criminally liable ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa pagpapakalat ng fake news.

Aniya, natatapos ang freedom of expression sa pagsisimula ng libel.

Kaya naman sa pagbuo ng isang espesyal na batas, magiging mainam na gawing public policy na ituturing ang fake news bilang malum prohibitum offense.

Matatandaang pagkatapos ng pagdinig ng Senado tungkol sa fake news, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang makalusot ang anumang batas laban dito dahil lalabag ito sa freedom of speech and expression.

Gayunman, iminungkahi niya na lang na mas patalimin ang ngipin ng batas kaugnay sa libel at slander.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.