Bongbong Marcos, naniniwalang malapit na siyang maging VP

By Kabie Aenlle October 06, 2017 - 01:16 AM

 

Malakas ang kumpyansa ni dating Sen. Bongbong Marcos na malapit na siyang maging bise presidente ng bansa ngayong nalalapit na ang recount ng resulta ng vice presidential election.

Ayon kay Marcos, nakatitiyak siyang oras na magsimula na ang recount, lalabas na ang tunay na resulta na magpapatunay rin na mali ang pagkakabilang sa mga boto sa nagdaang eleksyon.

Matatandaang halos naging dikit ang laban sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at Marcos noong nagdaang 2016 elections.

Kinukwestyon ngayon ng kampo ni Marcos ang pagkapanalo ni Robredo dahil sa maling bilang.

Samantala, kinumpirma rin ni Marcos na nakikipag-ugnayan na sila kay Pangulong Rodrigo Duterte para wakasan na ang tatlong dekadang paghahanap sa bilyong dolyar na halaga ng yaman na umano’y ninakaw ng kaniyang mga magulang.

Nabanggit din ni Bongbong na nag-aalok na ang kanilang pamilya na lumagda sa isang “quit claim” deed.

Tutukuyin dito ang mga ari-arian nila na nabili nila sa legal na paraan, at isusuko ang claim sa kung anuman ang makita ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.