Pagsabotahe ng mge terorista sa rehabilitasyon ng Marawi ibinabala ng AFP
Hindi pa irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ni incoming Philippine Army Chief Major General Rolando Joselito Bautista na bawiin na ang umiiral na martial law sa Mindanao region.
Sa change of command ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, sinabi ni Bautista na may nakakalap na impormasyon ang militar na guguluhin ng teroristang grupo ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Katunayan sinabi ni Bautista na target ng teroristang grupo na gayahin ang giyera sa Marawi na nagsimula noong Mayo 23.
Sa pagtaya ni Bautista hindi na aabutin sa Asean Summit sa Nobyembre ang giyera sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.