Pormal nang isinalang sa plenaryo ng Senado para sa period of interpellation and amendments ang 2018 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P3.76 Trillion.
Sa kaniyang privilege speech, tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Loren Legarda na sinikap nilang buuin ang budget para magkaroon ng mas inclusive na saklaw kumpara sa mga nakaraang budget proposal ng mga nakalipas na taon.
Giit ng senador, ginawa nilang prayoridad ang nasa 21.9 Million na mga Pinoy na ikinokonsiderang mahirap na siyang tunay na nangangailangan ng kalinga at atensyon ng gobyerno.
Ganunpaman, nilinaw ng Senadora na P523.5 Billion na mula sa kabuuang halaga ay magmumula sa utang kung saan 80% ay mula sa mga local sources habang ang 20% naman ay mula sa mga foreign lenders.
Sa kabuuan, umabot ng 48 budget hearings, sampung technical working group meetings, at iba pang budget briefings ang pagbuo sa pondo ng gobyerno para sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.