Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa
Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa 420 kilometers east ng Casiguran, Aurora.
Maliit pa ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Gayunman, dahil sa nasabing LPA, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang lalawigan ng Aurora at mga rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, ang southern Luzon at Visayas naman ay apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Magdudulot ito ng maulap ding papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa sa Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at lalawigan ng Palawan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.