PNP Chief nakatikim ng sermon sa ilang kongresista

By Erwiin Aguilon October 03, 2017 - 07:55 PM

Binuweltahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano si PNP Chief Director General Bato Dela Rosa matapos nitong sabihin na ingrato ang mga taong bumabatikos sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Alejano, walang utang na loob ang taumbayan kay Dela Rosa o sa gobyerno dahil trabaho naman talaga nito panatilihin ang katahimikan at kaayusan.

Sinabi ni Alejano na ang kanilang pagtatrabaho ay hindi para sumikat kundi pagtupad sa mandato.

Bukod dito, hindi anya dapat sinisingil ng utang na loob ang taumbayan dahil hindi pagmamay-ari ng publiko ang pamahalaan.

Paalala nito kay Dela Rosa na ang paglilingkod sa gobyerno ay isang thankless job.

Idinagdag naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na mukhang nasa ibang planeta si Dela Rosa dahil sa pananaw nito.

Sinabi pa ni Villarin na dapat pa ngang panagutan ng PNP Chief sa korte ang 13,000 extra judicial killing cases mula sa resulta ng war against drugs ng administrasyon.

TAGS: dela rosa, drugs, ejk, PNP chief, villarin, dela rosa, drugs, ejk, PNP chief, villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.