20 patay, 100 sugatan sa pamamaril sa Las Vegas strip
(Breaking News) Nananatiling sarado sa publiko ang ilang mga establishemento sa paligid ng Mandalay Bay Casino sa Las Vegas dahil sa pamamaril ng isang “active shooter”.
Sa pamamagitan ng Twitter ay umapela rin sa publiko ang Las Vegas Police Department na manatili sa kanilang mga bahay at umiwas muna sa pagpunta sa Vegas strip area dahil sa nagaganap na pamamaril.
Sa ulat ng Las Vegas Police Department ay kanilang sinabi na umakyat na sa 20 ang kumpirmadong mga patay sa pamamaril samantalang higit sa 100 iba pa ang sugatan sa naganap na mass shooting.
May report na rin na nabaril nila ang tinaguriang “lone wolf” na umano’y naka-pwesto sa loob ng isang silid sa 32nd floor ng Mandalay Bay Casino gayunman ay patuloy pa rin na sinusuyod ng mga otoridad ang paligid malapit sa crime scene.
Karamihan sa mga sugatan na isinugod sa iba’t ibang mga ospital ay mga nanonood sa Route 91 Harvest music festival malapit sa Mandalay Bay Casino sa dulong bahagi ng Vegas strip.
Courtesy of Maserati Gotti Facebook:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.