Estudyante sa Taguig, nasawi sa septic shock at hindi meningococcemia
Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Taguig City na walang naitatalang kaso ng meningococcemia sa kanilang lungsod.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang tungkol sa umano’y nakamamatay na bacterial infection na tumama at kumitil sa buhay ng limang estudyante.
Ayon sa lokal na opisina ng Department of Education ng Taguig, isa lang ang naiulat sa kanilang nasawi mula sa Kapt. Eddie Reyes Integrated School (KERIS) at ito ay sanhi ng septic shock.
Nakasaad pa sa pahayag na wala nang ibang naitalang nasawi sa nabanggit na paaralan.
Isang nagpakilalang alumna ng paaralan na si Hanna dela Cruz ang nag-post sa Facebook na meningococcemia ang dahilan kung bakit nagsuspinde ng klase ang KERIS noong September 19.
Hindi pa naman nakukumpirma ng Inquier ang impormasyong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.