Checkpoints dadagdagan para sa pagpapatupad ng gun ban
Pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa ipinatupad na gun ban sa pagsisimula ng election period sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay National Capital Region Police Office Director General Oscar Albayalde, suspendido din ang permit to carry ng armas sa labas tahanan ng mga sibilyan.
Tanging ang mga pulis at law enforcement agencies ang maaaring humawak nito.
Nagdagdag din aniya ng checkpoints para tutukan ang gun ban.
Aniya, kabilang ang mga motorsiklo at 4-wheeler na sasakyan sa gagawing inspeksyon sa checkpoints.
Ngunit paalala ni Albayalde, hindi maaaring pababain o kapkapan ang mga nakasakay sa kotse.
Hindi rin aniya maaaring basta-bastang buksan ang mga compartment at iba pang parte o laman ng sasakyan.
Sa ngayon, sinabi ng opisyal na wala pang nahuhuling lumabag sa naturang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.