2 hinihinalang riding-in-tandem, arestado sa Comelec checkpoint sa Rizal

By Mariel Cruz October 01, 2017 - 10:27 AM

Sa unang araw ng pagpapatupad ng Commission on Elections ng nationwide gun ban at checkpoints, arestado ang dalawang hinihinalang riding-in-tandem sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Supt. Hector Grujaldo, hepe ng Rodriguez police, pinara sa Comelec checkpoint ang mga suspek na sina William Datiles at Rodrigo Bautista na nakasakay sa motorsiklo.

Pero ani Grujaldo, sa halip na tumigil, nilampasan ng mga suspek ang checkpoint kung kaya napilitan ang mga pulis na habulin ang mga ito.

Naabutan ng mga pulis sina Datiles at Bautista sa harapan ng Rodriguez police station sa E. Rodriguez Highway.

Narekober sa dalawang suspek ang isang 9mm pistol na baril, mga bala, tatlong sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Ikinasa ng Comelec ang gun ban at checkpoints kasabay ng paghahanda sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 23.

Kasabay nito, nagsimula na rin ngayong araw ang election period.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.