Pilipinas, handa sa Human Rights probe na gagawin ng UN ayon kay Cayetano

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 04:38 AM

Handa ang Pilipinas sa isasagawang human rights probe ng United Nations.

Ito ang naging pahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagpupulong kasama si UN Secretary General Antonio Gutteres sa New York City.

Aniya, handa ang Pilipinas na tanggapin ang mga ‘objective and fair’ experts mula sa UN.

Dagdag pa ni Cayetano, makikipagtulungan ang Pilipinas para sa ‘rationale, open, and fair dialogue’ patungkol sa kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa kriminalidad at iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Cayetano kay Gutteres na pinagmumukhang mas malala pa ng western media ang problemang nararanasan ng bansa.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Secretary General dahil pinaunlakan nito na ipresenta sa kaniya ang kampanya ng pamahalaan kontra sa krimen at iligal na droga.

Aniya hindi naman tinatalikuran ng gobyerno ang karapatang pantao. Nilinaw ni Cayetano na ang tunay na intensyon ng kampanya ng pamahalaan ay protektahan ang pangkalahatang karapatan ng bawat isang Pilipino.

Samantala, hindi naman malinaw kung tatanggapin ng Pilipinas si UN Special Rapporteur on Extra-Judicial Executions Agnes Callamard bilang pinuno ng magiging imbestigasyon.

Matatandaang kritikal sa anti-drug campaign ng pamahalaan si Callamard.

Ani DFA Spokesperson Robespierre Bolivar, hindi nabanggit kung si Callamard ang mangunguna sa imbestigasyon.

Aniya ang nais lamang nila ay ang mag-iimbestiga sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa ay mga eksperto na walang bias laban sa pilipinas at handang gumawa ng patas at objective na assessment sa sitwasyon ng human rights sa bansa.

Paglilinaw ni Cayetano, kaya nila hindi iniimbitahan si Callamard na isagawa ang imbestigasyon ay dahil na-prejudge na niya ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at tinawag pang murderer si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, bukod sa human rights, ay makikipagtulungan din ang Pilipinas sa UN tungkol sa pagtugon sa mga isyu kaugnay ng sustainable development, bilang suporta sa UN migration initiatives na isang prayoridad ni Gutteres.

TAGS: Alan Cayetano, Human Rights, United Nations, Alan Cayetano, Human Rights, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.