Jordan Clarkson labis na nadismaya sa hindi pagkakasama sa line-up ng Gilas para sa FIBA Asia

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2015 - 01:41 PM

ClarksonNagpahayag ng pagkadismaya ang Fil-Am na si Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson dahil hindi siya napasama sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championship na gaganapin sa China.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Clarkson na labis siyang nalungkot dahil hindi siya makakapaglaro para sa team ng Pilipinas.”I’m very disappointed I won’t be able to play with the Gilas National Team during the FIBA Asia Championships from September 23 to October 3,” ayon kay Clarkson.

Sa inilabas na listahan ng 12-man line-up ng Gilas, hindi kasama si Clarkson dahil sa umano ay ‘elilgibility issues’ at conflict sa schedule nito sa Lakers.

Ginawa umano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat para mapamasa si Clarkson sa Gilas line-up, gayunman, bigo pa rin itong mabigyan ng clearance ng FIBA.

Pinayagan din ng LA Lakers si Clarkson na maglaro para sa Gilas pero sinabihan ito na dapat siyang makabalik sa Lakers training camp sa September 28.

Nagpasalamat naman si Clarkson sa SBP dahil ginawa nito ang lahat para siya ay makapaglaro sa FIBA Asia.

Kasabay nito tiniyak ni Clarkson na susuportahan niya ang Philippine Team para makapag-uwi ang mga ito ng ginto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.