3 patay sa magkakahiwalay na aksidente sa Maynila at QC

By Jong Manlapaz September 30, 2017 - 06:34 AM

Tatlong katao ang namatay dahil sa magkakahiwalay na aksidente sa Quezon City at Manila kagabi.

Unang naaksidente ang magbayaw na sina Anthony Valencia, 36 anyos, at Reynate De Guzman, 32 anyos, ng Ilagan St. Brgy. Paltok Quezon City pasado alas-diyes kagabi.

Ang dalawa ay galing ng Frisco at sakay ng motosiklo na minamaneho ni Valencia habang angkas naman nito si De Guzman.

Ayon sa mga saksi mabilis ang takbo ng dalawa kaya pagkaliwa nito sa Judge Juan Luna mula sa Del Monte Ave., hindi na nakontrol ni Valencia ang motorsiklo at bumangga sa gutter.

Pagkabangga sa gutter ng harapang gulong ng motorsiklo, agad tumilapon ang dalawa sa pader na may tambak ng mga bato.

Tumama ang ulo ng dalawa sa batohan at dahil walang helmet na suot ang magbayaw agad itong binawian ng buhay.

Samantala, namatay naman ang isang babae matapos mahulog sa ikalimang palapag ng Ex One building ang minamaneho nitong kotse sa Felix Juertas St. Sta. Cruz, Manila 11:30 kagabi.

Ayon sa mga saksi, paatras ang sasakyan ng babae sa 5th floor parking ng building ng sumalpok ito sa harang at tuluyang nahulog.

Sa lakas ng pagkakahulog inakala ng mga saksi na may bombang sumabog, pero laking gulat ng makita nila ang nakataob at nayupi ang bubungan ng itim na kotse.

Narinig pa ng ilang saksi na nagsasalita ang babae at humihingi ng tulong, habang duguan ang mukha.

Pasado ala-una ng madaling araw na bago nakuha ng rescue ng BFP- Manila ang babae mula sa loob ng sasakyan.

Kaya tumagal na marescue ang babae dahil kinailangan pang gumamit ng hydrolic cutter para matanggal ang pinto ng kotse at takpan ng plastic silver ang ginagawa nilang pagrescue sa babae para hindi makita ng publiko.

Pagkakuha sa babae agad nila itong binalutan ng plastic silver, ilang minuto pa ang lumipas bago nila ito dinala sa ambulasya saka tinakbo sa San Lazaro Hospital, dito dineklara ni Dr. Reynaldo Clemente na dead on arrival na ang babae.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.