Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng PAR
Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA ang LPA na nasa 212 kilometers East Northeast ng Infanta, Quezon ay maghahatid ng pag-ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Habang ang LPA naman na nasa 520 kilometers East Northeast ng Surigao City ay magdadala ng pag-ulan sa Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at ARMM.
Maliit pa naman ang tsansa na maging bagyo ang dalawang LPA, pero patuloy itong imomonitor ng PAGASA.
Kapwa nakapaloob sa intertropical convergence zone o ITCZ ang dalawang LPA.
Sakali namang mayroong mabuo bulang ganap na bagyo habang nasa loob ng bansa ay papangalanan itong Odette.
Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay localized thunderstorms lamang ang iiral at maaring makaranas ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.