Pilipinas, papalawigin ang pakikipagkalakalan sa UK

By Rhommel Balasbas September 29, 2017 - 12:11 AM

 

Isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas malalim na ugnayan ng Pilipinas at United Kingdom sa sektor ng pamumuhunan at kalakalan.

Plano ito ng pangulo matapos makipagpulong kay British Prime Minister Trade Envoy to the Philippines Richard Graham sa Malacañang.

Ipinagmalaki rin ni Duterte na magandang business destination ang Mindanao sakaling matapos na ang krisis sa Marawi.

Ayon sa pangulo, maganda ang business climate sa bansa dahil na rin sa mga polisiya niyang pumuputol sa red tape at lumalaban sa korapsyon.

Samantala, nangako naman ang opisyal ng UK na makikipagtulungan ito sa Pilipinas upang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa aspetong pang-seguridad at ekonomiya.

Ani Graham, suportado nito ang kampanya laban sa terorismo at hihikayatin ang mga British investors na mamuhunan sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.