Lacson, hindi pamilyar sa sinasabing ‘Bamboo Triad’ ni Duterte
Ibang grupo na may pangalang “Bamboo” sa Taiwan ang alam ni Sen. Panfilo Lacson, at hindi ang sinasabi na “Bamboo Triad” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang ang naturang Bamboo Triad ng Taiwan ang sinisisi ni Pangulong Duterte sa pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa.
Ngunit ayon sa senador, tanging “United Bamboo Gang” lang sa Taiwan ang nalalaman niya, na kilala din sa tawag na “14K.”
Sa pagkakatanda niya, isa itong mafia na kalaban ng Hongkong Triad, at ang dalawang grupo ay nakatuon sa iligal na droga, prostitusyon at mga krimen.
Hanggang ngayon aniya ay existing pa rin ang dalawang grupo, pero may ibang legal na aktibidad nang ginagawa ang mga ito tulad ng pagkakaroon ng sarili nilang mga establisyimento.
Naniniwala naman si Lacson na maaring nagkaroon lang ng kalituhan nang sabihin ng pangulo ang tungkol sa Bamboo ng Taiwan.
Kapag kasi aniya binanggit ang Bamboo sa Taiwan, Bamboo Gang lang ang alam niyang mayroon at magkaiba din aniya ang kahulugan ng triad sa gang.
Gayunman, sa palagay ni Lacson ay mayroong mga mapagkakatiwalaang sources ang pangulo na pinagkunan niya ng impormasyon tungkol dito.
Kung matatandaan aniya kasi ay nang makapasok ang 604 kilong shabu sa bansa at masabat sa Valenzuela, mayroong mga Taiwanese at Chinese na nasasangkot sa kaso.
Samantala, nagsabi naman na ang Malacañang na maglalabas sila ng ebidensyang magpapatunay sa sinabi ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.