Audio recording ng ISIS leader na si al-Baghdadi, lumutang
Matapos mapabalitang patay na, lumutang ang isang audio recording ng itinuturing na lider ng Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi.
Si Baghdadi, na may 25 milyong dolyar na patong sa ulo ay huling nakita sa publiko nang magdeklara ito ng isang Islamic caliphate sa loob ng Great Mosque ng al-Nuri sa Mosul, Iraq noong July 2014.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, sinabi ng Russia na malaki ang posibilidad na patay na ang ISIS leader matapos bombahin ng Russian air force ang pinagtataguan nito sa Raqqa noong May 28.
Gayunman, sa lumabas na audio recording na inilabas ng Islamic State, maririnig ang boses na kahalintulad ng tinig ni al-Baghdadi na nagpapahayag ng kanyang reaksyon sa isyu ng mga banta ng North Korea laban sa Amerika.
Bukod dito, laman rin ng 46 na minutong audio recording ang patuloy na pakikipagbakbakan ng ISIS sa Mosul, at iba pang stronghold ng
Sunni Muslim group.
Sa kasalukuyan, patuloy ang beripikasyon sa ‘authenticity’ ng audio recording ng mga eksperto.
Patuloy rin ang paghahanap sa IS leader.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.