Duterte sa pagbibitiw ni Salalima sa DICT: Ako ang nagpa-resign sa kanya

By Chona Yu, Jay Dones September 29, 2017 - 04:13 AM

 

Sinibak at hindi nagbitiw sa puwesto si dating Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima.

Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped interview kagabi.

Sa pahayag ng pangulo, sinabi nito na siya mismo ang nagsabi kay Salalima na magbitiw na sa puwesto bilang pinuno ng DICT.

Paliwanag ng pangulo, hindi inaksyunan ni Salalima ang kanyang pagnanais na buksan sa mas maraming mga telecom companies ang Pilipinas.

Mistula rin aniyang pinapaboran nito ang isang telecom company kung saan ito nagsilbi bilang Senior Vice President for Corporate and Regulatory Affiars.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi niya ito sinibak dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa mga nakaraang Cabinet meeting aniya, wala ring binabanggit na korupsyon sa DICT si Salalima.

Matatandaang sinabi noon ni Salalima na ang korupsyon sa Kagawaran ang naging dahilan kung bakit siya nagbitiw bilang Kalihim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.