Pangulong Duterte, nakahandang maglabas ng ebidensya laban sa Bamboo Triad

By Chona Yu September 28, 2017 - 08:27 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na maglalabas ng ebidensya kung kinakailangan si Pangulong Rodrigo Duterte para patunayan na nakapasok na sa Pilipinas ang Taiwanese drug cartel na Bamboo Triad.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa hamon ng Taiwan na patunayan na ang Taiwanse drug cartel ang pangunahing taga-supply ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay Abella may credible international sources ang Pangulong Duterte.

Kasabay nito, nilinaw ni Abella na walang partikular na bansa na pinupuntirya ang pangulo sa paglaganap ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Giit ni Abella, ang malinaw lamang ayon sa pangulo ay mayroong organized crime syndicate na nasa likod ng ilegal na droga.

TAGS: Bamboo Triad, Ernesto Abella, Malakanyang, Rodrigo Duterte, Taiwanse drug cartel, Bamboo Triad, Ernesto Abella, Malakanyang, Rodrigo Duterte, Taiwanse drug cartel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.