Ombudsman, naghahanda na sa pagpapatupad ng electronic SALN program sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno
Naghahanda na ang Office of the Ombudsman sa pagpapatupad ng web-based electronic filing system ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno.
Pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang Memorandum Circular No. 2 na siyang nag-uutos sa lahat ng head ng mga departamento, bureau, ahensya, national at local government, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga government-owned and controlled corporations (GOCC) at iba pang mga subsidiaries at mga opisina na magsumite ng original hard copy ng SALN kasama ang electronic copies nito bago o sa mismong araw ng June 30 bawat taon.
Ang nasabing e-SALN ay dapat nasa PDF format at naka-save sa bawat indibidwal sa mga compact discs o flash drives.
Kasama din na nakasaad sa naturang circular ang pagsusumite ng certification na nagsasaad na ang pinasang SALN ay ang kopya ng original na SALN.
Kaugnay ito ng pinirmahan ng Ombudsman at World Bank na memorandum of agreement noong 2013 na “Enhancing the Income and Asset Declaration System” na layong makapagbuo ng isang digital-based online system para sa pagpapasa ng SALN simula sa taong 2018.
Una nang inilunsad ng Ombudsman noong May 2016 ang SALN16 system kung saan ang Ombudsman at Civil Service Commission (CSC) ang unang mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng phase 1.
Ito ay sinundan ng Anti-Money Laundering Council, Office of the Deputy Executive Secretary for Internal Audit at Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng phase 2.
Sa ilalim ng bagong sistema, sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno ay maaring ma-access, mag-fill up at mag-file ng SALN sa internet sa pamamagitan ng web browser.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.