Sen. De Lima tinawag na ‘fake news’ ang umanoy tagumpay ng Duterte administration sa UN human rights review
Tinawag ni Senator Leila de Lima na ‘fake news’ ang umano’y claim ng Malacañang na tagumpay nito sa inilabas na UPR o Universal Periodic Review ng UNHRC o UN Human Rights Council.
Ayon kay De Lima, hindi ibigsabihin na ang ginawang pag-adopt ng UNHRC sa human rights report ng Pilipinas ay masasabing tagumpay na nga ang Duterte administration sa pagtatanggol sa karapatang pantao.
Paliwanag ni De Lima, ang totoong batayan ng performance ng Pilipinas sa UPR ay ang lumalabas sa ‘outcome report’ na iprinisinta ng tatlong rapporteur states.
Sa ‘outcome report’ umano makikita ang totoo at aktwal na mga diskusyon sa UPR na naglalaman ng mga tanong, komento at mga rekomendasyon ng mga bansa sa human rights situations sa Pilipinas.
Dagdag pa ni De Lima, taliwas ito sa inilabas na pagkabahala ng 45 sa 47 mga bansa noong Mayo ngayong taon, sa nagaganap na mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
Giit pa ni De Lima, binalewala din ng Pilipinas ang 44 na mga rekomendasyon sa nagaganap na EJK dagdag pa rito ang pagtanggi na makabisita sa bansa si UN special rapporteur para magsagawa ng imbestigasyon sa nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.
Dagdag pa ni De Lima, malinaw na ang Malacañang ang maituturing na numero uno na source ng peke o fake news sa bansa dahil sa galing nito na magpaikot ng istorya para gamiting propaganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.