Ipinatupad na dagdag-singil ng Uber, pinahinto ng LTFRB
Ipinahinto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-singil na ipinatupad ng Uber.
Sa kanilang abiso, inatasan ng LTFRB ang Uber na ihinto ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa mga pasahero na nagtutungo sa southern part ng Metro Manila at dumadaan sa toll gates.
Sa halip, sinabihan ng LTFRB ang Uber na maghain ng kanilang position paper sa isyu para maisailalim sa deliberasyon ng ahensya.
Noong December 7, 2015, nagpatupad ng surcharge ang Uber sa kanilang mga pasahero.
Partikular na apektado ang mga pasahero na magpapadaan sa entry at exit points sa Skyway.
Sa naging abiso ng Uber, P80 na dagdag ang pinataw sa mga papasol sa Skyway, Magallanes at C-5 entry points at lalabas sa Bicutan at Sucat.
Habang P100 naman ang dagdag kung ang labas ay sa Alabang, Filinvest at Susana Heights.
Nakasaad pa sa abiso ng Uber na ang surcharge ay idaragdag sa fare at toll fees na babayaran ng pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.