UAE may bagong labor law para sa mga foreign worker; nasa 100,000 OFWs ang makikinabang

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2017 - 08:41 AM

Nilagdaan na ang panibagong labor law sa United Arab Emirates (UAE) na inaasanang magbebenipisyo sa mga dayuhang manggagawa doon, kasama na ang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno, sa ilalim ng bagong batas, mas mapoprotektahan at mabibigyang benepisyo ang mga dayuhang manggagawa sa UAE at kabilang sa mga ipagkakaloob ay ang tamang petsa ng pagpapasahod, bayad na rest days at medical insurance.

Sinabi ni Vingno na inaasahan na mabebenipisyuhan ng nasabing bagong batas ang nasa 100,000 mga OFWs na nagtatrabaho sa UAE.

Kabilang sa nilalaman ng batas ang mga sumusunod:

  • Pagbabayad ng sweldo sa loob ng 10 araw mula sa due date
  • Isang araw na paid rest kada linggo
  • Dose oras na pahinga kada araw kabilang ang eight hours na consecutive rest
  • Medical insurance, kabilang ang 30 days medical leave kada taon
  • Round-trip ticket pauwi kada dalawang taon
  • accommodation – meals, clothing
  • at possession ng personal identification papers gaya ng pasaporte at ID

Nagpasalamat naman si Vingno sa pamahalaan ng UAE sa nasabing kautusan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: new labor law, OFWs, Radyo Inquirer, UAE, new labor law, OFWs, Radyo Inquirer, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.