Kumalat na memo kaugnay sa umanoy 3 araw na holiday sa Nobyembre, pinaiimbestigahan na ng DILG
Muling nilinaw ng Malakanyang na wala pang opisyal na deklarasyon ng holiday para sa November 13 hanggang 15 na panahon ng ASEAN Summit.
Ito ay makaraang kumalat ang kopya ng isang memorandum na nilagdaan ni Ambassador Marciano Paynor Jr. at naka-address kay Usec. Catalino Cuy ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa nasabing memorandum, nakasaad na nagbigay go signal si Pangulong Duterte para ideklarang holiday ang November 13 hanggang 15.
Gayunman, sinabi ni Cuy na hindi niya pa nakikita ang nasabing memo.
Paiimbestigahan din umano niya kung saan ito nanggaling at sino ang nagpakalat nito.
Payo naman ng DILG sa publiko hintayin muna ang opisyal na anunsyo mula sa Malakanyang bago paniwalaan ang mga kumakalat na balita hinggil sa holiday para sa ASEAN summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.