Taiwan, itinanggi ang alegasyon ng pangulo na source sila ng drugs
Mariing itinanggi ng Taiwan na sila ang source ng iligal na droga na pumapasok sa bansa.
Ito ay matapos ibunyag ni Pangulong Duterte ang umano’y “Bamboo Triad” na nakabase sa Taiwan ang operator umano ng iligal na droga sa bansa.
Sa pahayag na inilabas ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), sinabi nito na hindi kailanman naging pinagkukunan ng iligal droga ang kanilang bansa ngunit handa itong makipagtulungan sa Pilipinas para maresolba ang isyu.
Ayon sa TECO, ang Taiwan ang “best partner” ng gobyerno ng Pilipinas upang wakasan na ang transnational drug trafficking.
Kaugnay nito, inamin naman ng Chinese Embassy sa Maynila na maaaring may iilang Chinese National ngang may kinalaman sa illegal drug trade.
Gayunpaman, iginiit ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na mahigpit ang polisiya ng gobyerno ng China ukol sa iligal na droga.
Nangako si Zhao na hindi nila proprotektahan ang mga Chinese nationals na mapapatunayang may kinalaman sa illegal drugs at parurusahan ito ayon sa idinidikta ng batas sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.