Mayorya, balak buwagin ng ilang senador ayon kay Sen. Villar
Matapos ang pambabatikos sa majority senators dahil sa hindi pagpirma sa isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Duterte na itigil ang patayan, may ibinunyag si Cynthia Villar.
Ito ay ang umano’y planong pagsira ng dalawang senador sa Senate majority.
Pinangalanan niya ang dalawang Senador na sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Bam Aquino.
Ani Villar, nagmula ito sa isang tao mula sa social media na hindi naman niya pinangalanan.
Hindi niya rin binanggit ang intensyon sa umano’y demolition job.
Gayunpaman, sinabi naman ni Villar na hindi niya pinaniniwalaan ang source ngunit nang mabasa niya ang blog ng “Silent No More PH” napagtanto niyang isa na anya itong paalala.
Mariin namang tinanggi nina Aquino at Hontiveros ang mga akusasyon at iginiit na lahat sila ay biktima ng fake news.
Ani Hontiveros, ang makakasira sa Senado ay ay mga fake news na itinatanim sa isip o puso ng isa o ilang mga kasama sa Senado tungkol sa iba pang kasamahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.